Pagsasanay 2.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na awiting bayan at suriin ang kulturang nakapaloob
sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa patlang.
1. Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan. Isinasaad ng linyang ito na ____
A. Pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda
B. libangan ng mga tao ang pangingisda
C. Wala lang magawa ang mga tao kaya nangingisda
D. Lahat ng nabanggit
2. Batang munti, batang munti, matulog ka na
Wala rito ang iyong ina, Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti, matulog ka na.
Isinasaad ng awiting-bayan na ito na
A. mahilig gumala gala ang ina
B. ang pag-awit sa sanggol ay bahagi ng Kulturang Bisaya
C. walang pakialam ang ina sa sanggol
D. ang pag-awit sa sanggol ay paraan para maging mahusay na mang-aawit
3. Dandansoy, iiwan na kita Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ika'y mangulila Sa payaw, ikaw ay tumanaw
Isinasaad ng awiting-bayan na ito na _____
A. Tumatanaw ka lang kapag ikaw ay nalulungkot
B. Tunay at wagas ang pag-iibigan
C. Bahagi ng kanilang kultura ang paglapitin ang dalawang magkalayo sa pamamagitan ng awit
D. Bahahi ng kanilang kultura ang paglayunin ang taong nagmamahalan​