Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

anu anu ang kahalagahan ng mga salitang ito sa pag unlad ng wikang filipino?​

Sagot :

Answer:

Ang paggamit ng Wika tungo sa pag-unlad ng Ekonomiya

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maitindihan ang mga dahilan kung bakit Filipino ang napiling wikang pambansa, malamaman ang mga katangian ng wikang Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto, at matukoy ang kaugnayan at kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Pag-lalahad ng Suliranin

Saan nga ba nagmula ang wika ng Pilipinas?

Ayon kay Paul Morrow, Maraming lahi ang nagdala ng kani-kanilang salita sa Pilipinas noong unang panahon, ngunit ang mga wikang dinatnan nila sa Pilipinas ay taal na Filipino.

Rekomendasyon

Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya.

Ayon sa Wave Theory

Ang mga ninuno ng lahing Filipino ay dumayo sa Pilipinas nang ilang ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tulay na lupa na nalantad dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahon ng kalamigang pandaigdig (Ice Age). Nanggaling daw sila sa Indonesia, Malaysia at iba pang lugar. Libu-libong taon daw ang pagitan ng bawat panahon ng pandarayuhan. Diumano’y ito raw ang sanhi kung bakit may mga Ita, Ifugaw at modernong Filipino sa Pilipinas. Subalit ngayon ay hindi na tinatanggap ang teoryang ito.

Narito ang mga katanungan na dapat masagot ng papel na ito,

1. Saan nagmula ang wikang Filipino na ginagamit natin sa ngayon?

2. Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?

3. Paano ang naging proseso ng pagpili sa opisyal na wika sa ating bansa?

Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng Ekonomiya?

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya sa isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa.

Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”

Paano ang naging proseso ng pagpili ng ating wika?

Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946.

Konklusyon

Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas magiging mabilis at maayos ang pag-aangat ng estado ng lipunan dito sa bansa kung iisa lamang ang wika at lahat ay magkakaroon ng pagkakaintindihan sa lahat ng kanilang gagawin. Hindi magiging mahirap ang pag-aangat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin natin ang wikang Filipino kagaya ng ginawa ng ibang bansa na ginamit lamang ang sarili nilang upang maging isang maunlad na bansa.

Una

Nararapat lamang na mas gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng transaksyon na gagawin dito sa ating bansa upang mas mapadali at magkaroon ng pagkakaintindihan ang lahat ng mga tao.

Pangalawa

Gawing midyum ng pananalita ang wikang Filipino sa lahat ng aspeto ng lipunan.

Pangatlo

Linangin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas maitaas ang kalidad ng pagsasalita nito.

Explanation: