Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
EBOLUSYON NG SALIGANG BATAS NG PILIPINAS
Nagkaroon ng kabuuang anim na saligang batas ang Pilipinas mula nang Pagpapahayag ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Noong 1899, kinatha at ginamit ng Unang Republika ng Pilipinas—na nagtagal mulang 1899 hanggang 1901—ang Saligang Batas ng Malolos, ang unang Saligang Batas ng Pilipinas.
Noong Pananakop na Amerikano, pinamahalaan ang Pilipinas ng mga batas ng Estados Unidos. Ipinasá ang mga Batas Organiko ng Kongreso ng Estados Unidos para sa pangangasiwa ng Pamahalaan ng mga Isla ng Pilipinas. Nauna ang Batas Organiko ng Pilipinas noong 1902 na nagbukas ng Asembleang Filipino na binubuo ng mga mamamayang Filipino. Ikalawa ang Batas Pagsasarili ng Pilipinas noong 1916, na naglahok ng unang pangako ng kalayaan ng Pilipinas. Nagsilbing saligang batas ng Pilipinas ang mga batas na ito mulang 1902 hanggang 1935.
Noong 1934, nagpasa ang Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Kalayaan ng Pilipinas, na nagtakda ng mga hanggahan para sa pagbubuo ng saligang batas ng Pilipinas. Nag-atas ang Batas sa Lehislaturang Filipino upang manawagan ng halalan ng mga kalahok sa Kumbensiyong Pansaligang Batas upang magbuo ng borador ng Saligang Batas para sa Pilipinas. Natapos ng 1934 Kumbensiyong Pansaligang Batas ang gawain nito noong Pebrero 8, 1935. Ipinása ang Saligang Batas sa Pangulo ng Estados Unidos para sa pagpapatibay nito noong Marso 25, 1935. Sang-ayon ito sa Batas Kalayaan ng Pilipinas ng 1934. Pinagtibay ng mga mamamayang Filipino ang 1935 Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisitong pambansa noong Mayo 14, 1935, at naisakatuparan nang buo noong Nobyembre 15, 1935 sa pagpapasinaya sa Komonwelt ng Pilipinas. Kasama sa mga probisyon nito ang pagpapanatili rito bilang saligang batas ng Republika ng Pilipinas kahit naipagkaloob na ang kalayaan noong 4Hulyo 4, 1946.
Noong 1940, may binago sa 1935 Saligang Batas ang Asembleang Pambansa ng Pilipinas. Binago ang lehislatura mula sa asembleang unicameral patungong kongresong bicameral. Binago rin nito ang haba ng termino ng Pangulon ng Pilipinas mulang anim na taon na walang reeleksiyon patungong apat na taon nang may posibilidad na muling maihalal para sa ikalawang termino.
Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.