wasop18
Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

sanaysay tungkol sa sa isang nagpapanahon paksa​

Sagot :

Answer:

Paksa: Kahirapan

Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Halos kalahati ng ating populasyon ang nagsasabi na nabibilang sila sa isang maralitang pamilya. Dahil dito, kinalap namin at pinagsama-sama ang ilang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa kahirapan.

Mayroong mga halimbawa rito ng pormal at di-pormal na uri ng sanaysay. Nawa ay makatulong sa inyo ang koleksyong ito at mangarap ng mas mataas para umasenso sa buhay.

Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.

Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.