Nelson Mandela:Bayani ng Africa Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan... Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo. Mula sa mga karanasan ng di pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan. Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo. Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain. Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog Africa, itim o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad - isang bansang may kapayapaang pansarili at Pambansa. Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog. Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay pantay ng kasarian. Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat. Hindi, hinding-hindi na muling makararanas​