Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Maghanap ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa malawak na komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

ano ang ipinagmamalaki ng davao​

Sagot :

SlyBug

Answer: ang ipinagmamalaki ng Davao ang kanilang sikat na Durian at ang kanilang pinakamagandang binibisita ng mga karaniwang tao ay ang Mount Apo

pa BRAINLIEST PO TY :))

Answer:

Ako si Davao City, tanyag sa katagang King City of the South. Oo, sa akin nagmula ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na mula sa Mindanao. Ako’y itinatag noong 1903 hanggang 1914 ng mga Moro, kung kaya’t hindi nakakapagtakang binubuo ako ng 11 tribong namumuhay nang mapayapa at na nabibilang 1,600,000 populasyong nananahan sa akin. Ako’y itinuturing bilang isang highly urbanized na siyudad at isa rin sa mga sentro ng komersyo at kaunlaran sa Mindanao. Kaya’t di nakapagtatakang nagtataasan at nagtatayugan ang mga gusaling nakatayo sa iba’t ibang parte ng aking kalupaan at maraming sasakyang dumaraan sa aking mga kalye. Nabibilang ako sa probinsya ng Davao del Sur at nahahati sa tatlong distrito.

  • Simulan natin sa usapang pagkain, una na diyan ang mga pagkaing isdang tiyak na magdadala sayo sa kaibuturan ng dagat sa sarap. Kabilang na diyan ang tuna, pusit, at sari-sari pang isdang matatagpuan sa lahat ng sulok ko. Mayroon ding mga kainan, komersyal man o karinderiang sulit sa bulsa at swak sa iyong panlasa. Prutas ba ang hanap niyo, marami rin ako niyan. Kabilang na riyan ang saging, langka, durian at iba pa, kung kaya’t hindi maipagkakailang tinawag akong Fruit Basket of the Philippines.
  • Pangalawa sa listahan ang mga magagandang pasyalang magbibigay sa iyo ng kasiyahan at kaalaman tungkol sa akin. Unang-una ang Philippine Eagle Center na matatagpuan sa Calinan. Sa pasilidad na ito matatagpuan ang 32 na agila kabilang na ang Pithecophaga jefferyi o mas kilala ng lahat bilang Philippine eagle na klasipikado na bilang critically endangered o nanganganib nang maubos. Matatagpuan din sa parke ang ibang hayop kagaya ng mga unggoy at rabbit. Sunod naman ang Davao Crocodile Park na tahanan ng naglalakihang buwaya. Matatagpuan ang parke sa Talomo sa sentro pa rin ng Davao. Ilan pa sa mga pwedeng pasyalan ang People’s Park at mga tanyag na mall.Higit sa lahat, ‘wag niyong palampasing makapunta sa tanyag na Island Garden of Samal. Maputi at malapulbos na buhangin. Mala-kristal na dagat na animo’y mang-aakit sa iyo na maligo. Mga punong nagbibigay silong at mas nagpapaganda sa kabuuang kapaligiran ng isla. Ang Samal Island ang magbibigay sa iyo ng tunay na kahulugan ng paraiso. Sabayan pa ng mga atraksiyon kagaya ng kayak riding, island hopping at iba pa na tuluyang magpapa-in love sa iyo sa isla at tiyak na babalik-balikan mo.

Explanation:

:)

Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.