Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa aming komprehensibong Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

II. Suriin ang mga pangungusap at piliin sa mga pagpipilian ang kaisipang nais ipahayag ng mga ito.
7. Sa panahon ng pandemya sinukat ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino. Natunghayan ang tunay na pagdadamayan at pagmamahalan ng bawat kasapi ng pamilya. Mas naging daan ang krisis na ito upang magkaroon ng maayos na ugnayan ang bawat isa at lubos na mapahalagahan ang buhay na binigay ng Diyos. *
A. Buksan ang isipan sa lahat ng mga panganib sa paligid.
B. Panatilihing ligtas ang sarili mula sa sakit na nakahahawa’t nakamamatay.
C. Matutong magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap ng iyong mga kamag-anak.
D. Ang iyong pamilya lamang ang masasandalan sa panahon ng mga dagok at suliranin sa buhay.
8. Dapat na mahalin at pangalagaan ng tao ang kalikasan sapagkat ito ang pinagmumulan ng lahat ng mga pangangailangan niya. Kung hindi ito mangyayari, darating ang panahon na masisira ito. Dahil tuluyan ng mahihirapan ang mundo na ibalik sa dati niyang ayos ang kaniyang sarili. *
A. Maging mapanuri sa mga sasalihang organisasyon sa lipunan.
B. Magmatyag sa kilos o galaw ng mga kasama upang hindi maloko.
C. Magkaisa ang lahat upang patuloy na mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan.
D. Magsikap na makibagay sa kapwa tao upang magkaroon ng maayos na ugnayan sa isa’t isa.
9. Masasabing may isang natatanging kaibigan ang bawat tao. Laging kasama sa lahat ng bagay at sa kahit ano pa mang mga pagsubok sa buhay. Ngunit hindi maiiwasan na minsa’y magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, pero sa huli ito’y napag-uusapan. Sabi nga nila, masuwerte ka kung natagpuan muna ang iyong tapat at matalik na kaibigan. *
A. Dapat maging tapat ang lahat sa bawat isang tao na nasa mundo.
B. Binigyan ang lahat ng tao ng pagkakataon na magkaroon ng mga kaibigan.
C. Pahalagahan ang sarili upang mabuhay ng matagal at huwag pansinin ang sasabihin ng iba.
D. Panatilihin ang kapayapaan upang maiwasan ang kaguluhan at diskriminasyon sa paligid. 10. Hindi madali ang pag-aasawa sapagkat kailangan mong maging responsable at disiplinadong tao. Marapat na bago pagdaanan ng kahit sinong nilalang ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay, handa na siya sapagkat nangangailangan ito ng ibayong pagsasakripisyo, pagtitiis, pagpapagal at pagmamahal. *
A. Walang imposible sa taong patuloy na nananalig sa buhay.
B. Pagsisikap upang makamit ang inaasam na buhay kapiling ang asawa.
C. Hindi biro ang pag-aasawa kung kaya’t dapat handa ang isang tao para dito.
D. Lahat malalagpasan basta’t lakasan lamang ang loob at tibay ng pananampalataya.
11. Maipamamalas mo ang iyong pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng iyong pag-aaral ng mabuti sa kasalukuyang panahon. Ang hindi mo paghinto sa pagpasok sa klase at pagtanggap sa hamon ng pandemya ang siyang patotoo na lubos mong pinahahalagahan ang edukasyon bilang isang susi sa iyong tagumpay sa hinaharap. Kung kaya’t magpatuloy ka lamang sa iyong magandang nasimulan. A. Ang edukasyon ang susi sa tagumpay. B. Dapat magtulungan upang makapag-aral ang lahat ng mga kabataang Pilipino.
C. Hindi hadlang ang kahirapan upang makapag-aral sa gitna ng pandemyang nararanasan.
D. Kayang maiparamdam ang pagmamahal sa bayan sa pag-aaral ng may kasigasigan, pagsisikap at pagpupunyagi.
12. Hindi mo kailangang mangamba kung hindi mo pa siya nahahanap. Minsan kung kailan hindi mo inaasahan, saka ito magpapakita. At kapag nakita mo na. Alam mo na kaagad sa sarili mo iyon. *
A. Walang mawawala kung susugal ka sa pag-ibig.
B. Dapat hanapin ang pag-ibig upang magkaroon ka ng maayos na buhay.
C. Ang pag-ibig hindi hinahanap, kusang dumarating iyan sa tamang panahon.
D. Magmahal kaagad upang maraming matutuhan sa buhay at hindi na maloko pa.
13. Bulag ang mga mata at bingi ang mga tainga. Kapag puso ang naghahari sa bawat tao sa daigdig.
A. Pantay-pantay tayong lahat na may karapatang umibig at ibigin.
B. Walang puwang ang mga mahihina at duwag sa pagdedesisyon sa buhay.
C. Mapanakit ang pag-ibig kung kaya’t hindi ito rapat maramdaman ng isang tao.
D. Maaari tayong magmataas sa kapwa natin dahil nakatira tayo sa iisang mundo.​