Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

PAGSASANAY 2:
Bumuo ng isang resipi sa paggawa ng iyong paboritong ulam. Isulat ito sa mga
patlang sa ibaba.
Pamagat:
Layunin:
Sangkap:
Mga hakbang:​

Sagot :

Pamagat: Paano Gumawa ng Adobo na Manok

Layunin:

Makagawa ng Masarap na Adobo


Sangkap:

1 kilo chicken

3 tablespoon cooking oil

4 pisngi bawang

½ sibuyas (medium size – pula o puti)

10 tablespoon toyo

5 tablespoon suka

½ tablespoon brown sugar

½ teaspoon paminta (powder or crushed)

3 cups water

3 laurel leaves – optional

Preperation:

Hiwain ang manok sa inyong gustong sukat.

Hugasan ang manok at patuluin.

Mga Hakbang:

1.Ipainit ang mantika sa kawali

2.Igisa ang bawang at sibuyas

3.Isunod ang manok

4.Haluin at takpan

5.Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne

6.Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng manok at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto. Para mag-blend ang kulay ng toyo. Tandaan na medium heat lang ang apoy

7.Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.

8.Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy

9.Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa

10.Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok

11.Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy

12.Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na PERO pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.

Source:

https://www.simotsarap.ph/paano-magluto-ng-adobong-manok/