Ano ang natutunan mo sa kuwento ng BAKIT MAALON ANG DAGAT? NEED KO LANG PO NG EXAMPLE
BAKIT MAALON ANG DAGAT?
Noong unang panahon, tahimik at walang alon ang mga dagat sa mundo. Tahimik na nakapangingisda ang mga tao anomang panahon nila gusto ngunit dahil sa isang pangyayari ng kasakiman ay nagbago ang lahat ng ito. Si RILEY ang pinuno ng mga mangingisda ng isla ng Panay. Mahusay, matalino at matipuno siya ngunit labis din ang kaniyang kasakiman. Bukod sa marami na siyang isdang nahuhuli ay parati pa siyang gumagamit ng mga mapanakit na kagamitan upang makahuli ng isda. Gumagamit siya ng lambat na may maliit na butas at hinuhuli maging ang pinakamaliliit na isda. Labis na ikinalungkot ito ng diwata ng mga isla na si Diwata Mara. Umiiling niyang Pinagmamasdan ang ginagawang kasamaan ni Riley kaya't kaniyang tinipon ang lahat ng mga isda at inilipat sa karatig na isla upang huwag silang mapinsala pa. Ilang linggong walang huling isda si Riley dahil sa ginawang ito ng diwata ngunit lalo lamang umigting ang pagnanais niyang makahuli pa ng masmarami.
Labis niya itong ipinagtaka kaya naman ang kabilang isla na hindi na sana niya teritoryo ay kaniya na ring sinakop. Gumamit din siya ng dinamita upang mas marami ang kaniyang mahuli kapalit ng ilang araw na wala siyang huli. Labis na napinsala ang mga tirahan ng isda, nangamatay pati na rin ang iba pang mga halamang dagat. Kaya sa galit ni Diwata Mara ay hinipan niya ng hinipan ang dagat at lumikha ito ng malalaking alon na nagtaboy sa mga mangingisda palayo sa isla. Hindi naging payapa ang ng dagat mula noon, naging mahirap na rin g humuli ng isda. Mula noon,.lahat ng dagat sa mundo ay mayroon ng mga alon upang huwag maabuso ang lamang dagat at mga isdang biyaya saatin ng kalikasan.
Ano ang aral na iyong Natutunan sa kuwentong iyong binasa?
Belated,
Happy Chinese new year to all