Need help:(
yung matinong answer.
Kasabay ng pagdaaos natin ng mahahalagang okasyon gaya ng pasko at bagong taon ay kasabay ring lumobo ang may mga positibong kaso ng Covid. Matatandaan na ibinalita ang isang dalagang nagngangalang Gwyneth Chua na galing ibang bansa at tumakas sa isang hotel kung saan dapat siyang magquarantine habang hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang swab test. Ngunit dahil sa koneksyon na mayroon siya ay nakalabas sya ng hotel at naki daos pa ng “christmas party” sa kanyang mga kaibigan. Dito ay lumabas ang resulta na sya ay positibo sa “omicron variant” na kinakatakutan sapagkat mataas ang tiyansa ng hawaan. Ngayon kasabay ng naging isyu ay nagpositibo ang ilan sa kaniyang mga kaibigan na kasama niya noong christmas party. At kasabay rin nito ay araw-araw ng lumolobo ang kaso ng covid cases sa buong pilipinas. Ngayon ano ang iyong masasabi o opinyon sa laganap na koneksyon ng mga may kaya, mayaman o may kilalang tao sa pamahalaan na ginagamit ang kanilang koneksyon upang makamtan lamang ang kanilang nais ng hindi na dadaan pa sa proseso? Kung ikaw ba ang nasa lagay ni Gwyneth Chua gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa oo o hindi? At bakit, ipaliwanag ang iyong sagot.