2. Mahalaga ang mga trekking shoes sa gagawing pamamasyal sa Sagadda. Sa gagawin mong pagtaas at pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang iyong lakas at tibay lalo na't kung sanay ka sa lungsod na kahit malapit lang ang destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Sagada, mahaharap ka sa paglalakad. Kapag bibili ka sa tindahan, lalakarin mo ito pababa, kung maghahanap ka ng makakainan, pupuntahan mo ito, pababa sa pamamagitan pa rin ng paglalakad. Upang masulit mo ang malinis at sanwang hangin lalakarin mo ang pataas-pababang mga kalsada. Kung nais mo nng pumitas ng sanwang mga dalandan, sa bukana lamang ang iyong sasakyan at maglala kad ka ulit. Sa mga pakikipagsapalaran sa mga kuweba gaya ng Lumiang Cave, ibayong tibay at lakas ng mga binti at paa ang kailangan mo sa paglalakad. Napakaesensiyal ng paglalakad sa buhay ng tao. Nagpapalusog ito ng pangangatawan. Ano ang pamagat ng talata?