Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Tukuyin kung ang anong antas ng pang-uri ang bahaging may salungguhit sa bawat pahayag... Isulat sa patlang ang iyong sagot. 2 puntos bawat bilang. 1. "Ikaw ang may pinakamagandang tinig sa inyong magkakapatid! bulalas ng hari nang marinig ang pag-awit ng prinsesa. 2. "Di gasinong mabait si Emily kaysa sa kaniyang Ate Susan," pahayag ni Aling Ella nang mapunang paparating si Emily. 3. "Ikaw ay ubod ng tamad, Juan. Kailan ka kaya magkakaroon ng sariling pagkukusa na gumawa?" naiinis na pahayag ng ina kay Juan. 4. "Napakasarap titigan ang iyong maningning na mga mata," masuyong pahayag ng binata sa nakilalang diwata. 5. "Magsimbait ang inyong kalooban, Sarah at Larah, huwag sana kayong magbabago," wika ng lola sa kaniyang mga apo.