Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng malalim na sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan

II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga

Maricar Raven Carcosia

III. Kategorya:

Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong galing sa gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na pera para sa proyekto ito sa tulong ng mga guro,magulang at punungguro ng paaralan.

IV. Petsa:

Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa ibaba.

Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon

Pebrero 25-30, 2018 Pag aaproba ng punong guro LHS

Marso 03-24, 2018 Maghahanap ng donasyon para sa mga libro LHS

Marso 26-April 05, 2018 Paghahanap ng murang bagong libro para sa pagdadagdag sa mga kinakailangang libro ABC Bookstore Company

Marso 27-April 10, 2018 Inaasahang araw ng pangongolekta ng mga libro. LHS

Abril 17- May 30, 2018 Paglalahad ng tawad para sa mga materyales na gagamitin sa pag papagawa ng lagayan ng mga libro. DEF Hardware Company

Abril 11-16, 2018 Inaasahang pagsisismula ng proyekto sa pag sasaayos ng lagayan mga libro. LHS

Mayo 25-31, 2018 Pagsasaayos ng mga nakolektang libro. LHS

Enero 02, 2018 Pagtatapos ng proyekto LHS

Enero 05, 2018 Pormal na pagbubukas ng silid-aklatan LHS

V. Rasyonal:

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng maayos at organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto:

Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang nais matamong pag babago sa silid-aklatan.

VII. Badget:

Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem Presyo ng bawat aytem Presyong pangkalahatan (php)

Pangangalap ng donasyong libro 0 0

Pagbili ng mga dagdag na libro Base sa sinumiteng presyo ng ABC Company 500 15,000

Pagpapagawa ng mga bagong lagayan ng mga aklat 2,500 15,000

Kabuuang gastusin Php 30,000

VIII. Pakinabang:

Ang mga mag aaral ng LHS ang makikinabang sa proyektong ito upang hindi na mahirapang mag hanap ang mga mag aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikalabing dalawang baitang ng sagot sa gagawing proyekto o takdang aralin. At makatulong din ito sa pagkakaroon ng kredibilidad para sa gagawing pananaliksik ng mga mag aaral sa tulong ng pagkakaroon ng mataas na antas ng sanggunian na hindi kakailanganin pang pumunta sa ibang silid -aklatan.

Tanong:
1. Base sa iyong nabasa at pag-unawa sa panukalang proyekto na nasa itaas sumasang-ayon ka ba
sa kanyang inilatag na mga impormasyon?

2. Naipakita ba nang maayos at may pagkakasunod-sunod na mga ideya ang ginawang panukalang
proyekto? ​