Suriin
Suriin ang sitwasyon:
Si Anton ay naging pangulo ng isang paaralan. Naniniwala siya batay sa kanyang karanasan na dapat kilala ng pinuno ang kanyang nasasakupan, may pangitain siya vision at mahigpit na kalaban ang katiwalian (corruption). Pinaglalaanan niya ng panahon araw-araw na magtungo sa mga silid-aralan, palikuran, tinitingnan niya nang maayos ang mga pasilidad at buong bakuran ng paaralan, nakikipanayam siya sa mga mag-aaral, professor, kawani at mga manggagawa. Dahil dito nakilala niya ang lahat na na kalagayan ng uri ng tao na kanyang pinaglilingkuran. Nakita niya ang tunay paaralan, kung anu-ano ang mga dapat isasaayos, kung sino sa mga kawani, guro at pati na mga karaniwang mangagawa ang tunay na nagtratrabaho, nagkukunwari at higit sa lahat ang mga tamad. Napag-alaman din niya kung ano pang mga bagay ang dapat gawin bilang lider. Lahat ng ito ay nakatulong nang malaki sa pagbibigay ng mga desisyon. Sa pamamagitan ngpakikihalubilo at pakikisama sa lahat ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan na naging ugnayan niya na ngayon ay napalagyan ang paaralan ng libreng INTERNET ACCESS, modernong pasilidad tulad ng air-conditioned classrooms, library, cafeteria, hi-tech equipment at iba pa.
Panuto: Pumili ng dalawang katangian na ipinakita ni Anton sa sitwasyon at magbigay ng paliwanag:
a. Kahandaan na makipagsapalaran b. Pagkakaroon ng positibong pananaw
c. Kahusayan sa pagpaplano at pagpapasya
d. Pagkakaroon ng tiwala sa kakayahan ng iba
e. Pagbibigay ng inspirasyon sa kasama ng pangkat
f. Kakayahang maglingkod at tugunan ang pangangailangan ng kapwa
g. Kakayahang tukuyin ang suliranin at magsagawa ng isang gawaing lulutas dito
h. Patuloy na paglilinang ng kaalaman at kasanayan ng mga kasama sa pangkat upang patuloy na umunlad