Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

1.Ano ang iba't ibang elemento ng kuwentong-bayan?Isa-isahin ang katangian ng bawat element.​

Sagot :

Answer:

Elemento ng kuwentong bayan

1. Banghay

2. Tagpuan

3. Tauhan

4. tema

5. aral

Banghay

• Dito makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.

Ang banghay ay binubuo ng sumusunod:

1. Panimula- Sa parteng ito pinapakilala ng may akda ang mga tauhan.

2. Papataas ng panyayari- Dito makikita ang suliraning nagpapasidhi ng interes.

3. Kasukdulan- dito makikita kung paano harapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.

4. Pababang pangyayari- Sa parteng ito makikita ang paglutas sa suliranin.

5. Resolusyon- Ito ay ang pagkakaroon ng makabuluhang  wakas ang isang akda.

Tagpuan

• Dito makikitaan ng malinaw na kilos ang mga tauhan kung saan nangyayari ang pangyayari sa kuwento. Kabilang dito ang kanilang mga hanap-buhay, paraan kung paano mag-isip at takbo ng mga pangyayari.

Tauhan

• Ito ang gumaganap sa isang kuwento. Maaring ito ay bida o kontrabida.

Tema  

• Ito ang gustong iparating ng kuwento

Aral

• Dito matatagpuan ang mga aral na dapat makuha sa kuwento

Ano ang kuwentong bayan

• Ito ay mga kathang isip  na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan.  

• Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa kasalukuyang pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong pag-uugali at mga aral na gustong ibigay ng kuwento.

isa isahin ang mga elemento ng kwentong bayan

Explanation:

Answer:

Banghay

Tagpuan

Tauhan

Tema

Aral

Explanation:

Sa BANGHAY nakikita ang maayos na pagdaloy ng mga pangyayari sa kwento. Ang mga banghay ay nabubuo ng panimula, pataas na pangyayari, kasukdulan, pababang pangyayari at resolusyon.

Ang TAGPUAN naman ay ang lugar kung saan nangyayari ang kwento. Dahil ito ay kwentong bayan, kadalasan itong naglalarawan sa isang lugar na malapit o kaya’y ang dating lugar na kung saan naninirahan ang mga tao.

Sa isang kwento, hindi naman mawawala ang mga TAUHAN. Sila ay nagbibigay ng perspektibo sa mga pangyayari at sinusundan sila ng mga mambabasa.

Ang TEMAnaman ay ang bagay na gustong iparating ng kwento sa mga mambabasa at ang ARAL ay ang mga napulot na leksiyon tungkol dito.