Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Ano ang mga bagay na natutuhan ng bida sa kwento?

“At ang nagkamit ng pinakamataas na karangalan sa pagtatapos ng panuruang taon na ito at walang iba kundi si…Lledwin Sacabac! Palakpakan po natin si Lledwin.”

Taon-taon na lamang ay naririnig ni Lledwin ang mga salitang ito, mula pa noong tumuntong sa unang baitang ng elementarya hanggang sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo sa kursong Marine Engineering. Likas na matalino at matiyaga ang batang si Lledwin. Biro nga ng kaniyang mga kamag-aral na sadyang ibinagay ng kanyang mga magulang ang pangalan sa kaniya. “Lledwin…nangunguna at panalo.” Iyan ang lagi niyang naririnig sa kaniyang mga kasama. Ngunit ang lahat ng iyon ay sinasalubong lamang at tinatanggap ni Lledwin ng isang matamis na ngiti at mapagpakumbabang sagot. Aniya, ang lahat ng papuri ay higit na mahalaga para sa Maykapal na nagbigay at nagpahiram nito sa kanya.

Nang makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho si Lledwin sa isang tinitingalang kompanya sa bansa, natuklasan niya ang kaibahan ng teorya sa katotohanan ng buhay. Dito niya unang naranasan ang hind maging una sa lahat. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ni Lledwin na makatanggap ng salitang nagtuturo upang isaayos niya ang kaniyang ginawa, tungo sa higit na ikagaganda nito.

Sapagkat kailanman ay hindi inilagay ni Lledwin sa isip niya na siya ang pinakamagaling sa lahat, naging madali para sa kaniya ang pagtanggap sa mga salitang sinabi sa kaniya ng kaniyang boss. Gaya ng dati, mapagpakumbaba niyang tinanggap ang mga ito. Sinabi niyang ito ang magsisilbing aral upang lalo pa siyang magsikap na maitama at pagtagumpay sa susunod na panahon.

Ayon sa kaniya, ang maluwag na pagtanggap sa katotohanan at mapagpakumbabang pagtanggap sa pagkakamali ang unang hakbang upang tumuloy sa hagdan ng pagtatagumpay. Ito ang sikretong kaniyang pinanghahawakan sa pagtahak sa kaniyang tagumpay.

Sagot :

Answer:

ang haba ng kwento di ko kaya basahin im so sorry

Answer:

Ang haba po ng story dapat po picture para masagotan namin