Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Itanong ang iyong mga katanungan at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
Answer:
ARAW NG REPUBLIKA
Noong Hulyo 4, 1946, pormal na kinilala ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas. Ito ang nagsilbing pagtatapos ng isang mahabang prosesong sinimulan pa noong 1916, kung kailan ipinangako ng Batas Jones na sa loob ng ilang taon ay pagkilala kikilalanin na rin sa kasarinlan ng Pilipinas, at sinimulan ng Tydings- McDuffie Act ng 1933 ang sampung taóng panahon ng transisyon upang maghanda para sa kasarinlan.
Ayon sa kasaysayan, minarkahan ni Manuel Roxas ang kasarinlan ng Pilipinas nang muli siyang manumpa bilang Pangulo ng Pilipinas at inalis ang pledge of allegiance sa Estados Unidos na kinakailangan bago ibigay ang kasarinlan. Dahil dito, nagsimula ang Ikatlong Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel A. Roxas. Patuloy na ipinagdiwang ang “July 4 Independence Day” hanggang sa huling bahagi ng 1962.
Noong 1962, inilabas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proclamation No. 28, s. 1962, kung saan pinagbisa niya ang pagbabalik ng petsa ng kasarinlan ng Pilipinas mula Hulyo 4 papuntang Hunyo 12–ang petsa ng kalayaan mula sa España na ipinroklama sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Sa kanyang proklamasyon, sinabi ni Pangulong Macapagal na ang ginawang pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 ang nagmarka ng deklarasyon at pagsasakilos ng karapatan nating magpasya para sa sarili, maging malaya, at makapagsarili
Inampon ni Macapagal ang pananaw ng mga historyador at marami pang lider pampulitika na Hunyo 12 dapat ang petsa ng paglaya ng bansa dahil ang Hulyo 4 ay ang pagpapanumbalik ng kalayaang ito. At ganoon na nga, noong 1941, inilipat din ang Araw ng Watawat papuntang Hunyo 12, mula sa dating pagdiriwang nito tuwing Oktubre simula pa 1919. Ginawa ito upang bigyang-pagkilala ang kahalagahan ng Hunyo 12 noong ipinahayag ang kalayaan ng bansa at pormal na itinanghal ang pambansang watawat at pambansang awit sa mga Filipino.
Explanation:
hope it help
Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.