Una pagkatuto bago gumawa Gawain 1: Paggawa ng Plano Sa paggawa ng isang proyekto tulad ng pagreresiklo o recycle mahalaga ang pagkakaroon ng plano ng gagawing proyekto. Pakisipin muna ng iyong nais na gawing materyales at ano ang mabubuo mo dito Gawing halimbawa ng plano ng proyekto na makikita sa ibaba at gumawa ng sarili mong plano ng proyekto mula sa mga patapong bagay na maaari pang pakinabangan. Gumamit ng ekstrang papel sa pagbuo ng iyong plano ng proyekto. PLANO SA PAGGAWA NG PROYEKTO ni (Pangalan, Baitang at Seksiyon Pangalan ng proyekto Recycled flower pot Layunin: 1. makagawa ng bagay na makatutulong para mabawasan ang kalat o basura sa paligid 2. magkaroon ng kapaki-pakinabang na bagay mula sa patapong materyales 3. makagawa ng isang flower pot at makapagtanim upang mapaganda ang kapaligiran Mga kagamitan Plastic bottle, pentel pen, pintura, gunting, cutter, tali (string) at halaman na itatanim Badyet o pondo na Php 60.00 ilalaan Pamamaraan 1. Thanda ang mga kagamitan sa paggawa ng proyekto gaya ng pamumulot ng pagbuo ng proyekto plastic bottle. 2. Hugasan, linisin, tuyuin at guhitan batay sa disenyong nais 3. Gupitin ang mga guhit o gumamit ng gunting o cutter (mag-ingat sa paggamit nito) 4. tanggalin ang mga iginuhit na linya 5. Hubugin ang disenyo na nais 6. Huwag kalimutang butasan ang takip at ilalim ng bote. 7. pintahan at patuyuin 8. Maaari ng taniman ang recycled flower pot