Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.
Sagot :
Answer:1.Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin
2.Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta magpapa-paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
3.Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita. Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
4.Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.
5.Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin ng isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.
Explanation: I HOPE ITS HELPS !
TY FOR THE POINTS !
BRAINLEST ME !
Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa mas marami pang impormasyon at kasagutan.