Karapatang Sibil
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan lo ay sumasakop sa kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa't isa. Kabilang sa karapatang stay karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa nito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala (Innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mabilis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang "justice delayed is justice denied."
1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibit? HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan
a. na maipahayag ang saloobin
b. na makapagbiyahe saan man nais
c. na magpatayo ng titirhan saan man
d. sa malayang pagsamba at pananalig
2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon?
a. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan.
b. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule
c. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan
d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan
3. Ano ang nasasaad sa wnit of habeaus corpus?
a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
b. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
c. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.
4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo? (Literal)
a. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.
b. Lilitisin at ikukulong ang nagkasala.
c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito. d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus,
5. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical) a. Hatid nito ang isang balita. b. Gusto nitong magbigay ng aral. c. Nais nitong magbigay ng kaalaman, d. Hangad nitong magbigay ng pananaw.