Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Unang tibok
Unang pintig
Nagmula sa iyong
Walang bahid
Hindi alintana
Kung gaano kasakit
Mailabas lang ako
Malakas man ang iyong impit
Inalagaan mo
Bawat saglit
Hanggang sa marining
Itong munting tinig
Sa pagtulog ko
Ikaw’y nakatitig
Sa mga pisngi kong
Pagkaliit-iit
Gatas
Na sa iyo nagmula
Sa akin
Ay lubusang nagpasigla
Hanggang sa ako
Ay magsalita
Panay ang halik mo
Sa pisngi kong mapula
Ulo ko
Ay inalagaan mo sa hilot
Upang sa paglaki ko
Ay tunay na mamilog
Sa aking pagligo
Hindi mo iniwanan
Isusuot
Ang baru-baruan
Ibabandila
Ang iyong pinagtiyagaang
Binurda
Ang aking pangalan
Nang ako
Ay unang humakbang
Larawan ko
Ay ipinangalandakan
Binanggit
Sa aking mga pinsan
Kaya naman ako’y
Kanilang kinagiliwan
Sa tuwing ulan
Ay papatak
Naisip ko
Nuong ako’y umiiyak
Hindi ka mapakali
Sa aking pag-iyak
Kakargahin ako
Buong magdamag
Taun-taon
Ginugunita
Kung gaano ka
Kadakila
Maubos man
Ang lahat ng salita
Pati na
Ang aking mga luha
Hindi ko pa rin
Maikakaila
Sa pusod mo ako
Unang huminga
Salamat sa iyo
Aking ina
Sapagkat ako’y pinalaki mo
Na may disiplina
Kahit saang lupalop
Ako magpunta
Nasa puso’t isip ko
Ang iyong pagkalinga
Ngayong malabo na
Ang iyong mga mata
Mga letra ng tula ko’y
Hindi mo na makita
Explanation:
i hope it helps:)
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.