Answer:
Mga Progarama at Patakaran upang masolusyunan ang problema hinggil sa ekonomiya ng bansa ay isinagawa niya ang mga sumusunod: pagsasaayos ng elektripikasyon, pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal, pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang, paghikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa
Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka. Maraming korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka gaya ng mga sumusunod.
NARIC- National Rice and Corn Corporation NACOCO- National Coconut Corporation NAFCO- National Abaca and other Fibers Corporation Bukod sa mga korporasyon o samahang tumulong sa mga magsasaka ay binuo rin ni Roxas ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) upang tulungan ang mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimulang muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan.