Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

dumating ang enkantada kaya nagulat ang malungkot na magtotroso​

Sagot :

Ang Dalawang Magtotroso At Ang Engkantada
Isang hapon isnag magtotroso ang pumunta sa gubat upang kumuha ng kanyang paggatong. Kanyang pinili ang isang puno na tuwid sa tabi ng lawa. Kanyang sinimulang putulin ang puno gamit ang kanyang palakol ngunit sa kasamaang palad ang talim ng kanyang palakol ay tumilampon sa lawa.Dagli siyang sumisid sa lawa upang hanapin ito. Ngunit hindi niya ito makita. Siya ay naupo sa paanan ng puno at nag-isip kung paano niya mahahanap ito. Nang biglang lumitaw ang isang Engkantada sa kanyang harapan. Siya ay tinanong nito kung ano ang kanyang suliranin. Sinagot niya ang Diwata. Na ang talim ng kanyang palakol ay nahulog sa lawa. Ang Engkantada ay tumalon sa tubig upang hanapin ang talim ng kanyang palakol sa pag-ahon nito dala nito ang isang gintong talim. Siya ay tinanong nito kung iyon ba ang kanyang talim. Sumagot ang lalaki na hindi kanya ang talim na iyon. At muli tumalon sa lawa at ng umahon dala ang isang pilak na talim ng palakol. At muli kanyang tinanong ang lalaki kung ito ba ang talim ng kanyang palakot. Sumagot muli ang lalaki na hindi sa kanya ang talim ng palakol na iyon. Muli ay sumisid ang Engkantada sa lawa sa kanyang pag-ahon dala na nito ang isang bakal na talim ng palakol. Tinanong niya ang lalaki na iyon ba ang kanyang palakol. Sumagot ang lalaki na iyon nga ang kanyang talim sa palakol. Ibinigay ng Engkanta sa kanya ang kanyang talim sa palakol kasama ang ginto at pilak na talim ng palakol sa kanya sapagkat humanga ang Engkantada sa ipinakita niyang katapatan. Ang lalaki ay nagpasalamat at umuwi na ng kanilang bahay.
May isang kapitbahay ang lalaki na nagtanong sa kanya kung paano niya nakuha ang mga iyon. Kanyang sinabi dito ang nangyari. Pumunta ang lalaki sa tabing lawa at nagkunwaring pumuputol ng puno. Dahil binalak niya ang pangyayaring iyon sadyang ang talim ng kanyang palakol ay maluwag kung kaya ang talim nito ay nahulog sa tubig. Nagkunwari siyang sumisid sa tubig at naghanap. Nagkunwari din siyang malungkot. Maya-maya lumitaw ang isang Engkantada ay siya ay tinanong nito. Sinabi niya ang nangyari at muli siya ay nagputol ng puno gamit ang palakol ng biglang mahulog muli ang kanyang talim sa lawa. Umiiyak ang lalaki. Kung kaya sinabi ng Engkantada na siya ay tutulungan nito. Sumisid ang Engkantada sa lawa sa pag-ahon nito dala nito ang gintong talim. Tinanong niya ang lalaki kung ito ba ang talim nito. Agad na sumagot ng oo ang lalaki. Kanya ang talim na iyon at meon pa siyang nawawalang talim. Muli sumisid ang Engkantada sa lawa at ng ito ay umahon dala naman nito ang isang pilak na talim. Muli siya ay tinanong nito at siya ay sumagot ng oo kanya ang pilak na talim na iyon. Ngunit hindi pinagkaloob ng Engkantada ang mga talim na iyon. Sinabi ng Engkantada na hindi mapapasakanya ang talim na iyon sapagkat ang matatapat lamang na tao ang kanyang binibigyan ng tulong. Kanyang pinaalis ang lalaki. Pagkatapos ng kanyang sinabi ay naglaho na ang Engkantada. Nahihiyang naglakad ang lalaki pauwi sa kanilang bahay.