Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Answer:
mabait, matalino, mapagmahal, tapat na mangingibig, at mapagkakatiwalaan
Explanation:
Si Basilio ay mabait sapagkat wala siyang bisyo,puro pag-aaral ang kanyang inaatupag,at marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa taong nag ampon sa kanya at nag paaral, matiyaga niyang inaalagaan si kapitan Tiyago, walang narinig sa kanya ng kahit isang pamana na mula kay Kapitan Tiyago ay wala sa kanyang ibigay si Padre Irene.
Matalino si Basilio, dahil napagsasabay niya ang pag-aaral at ang paglilingkod kay Kapitan Tiyago, marami ring siyang nakuhang parangal mula sa eskwelahan na kanyang pinapasukan at talaga namang lubos siyang hinangaan ng mga kaeskwela niya na dati rati ay pinagtatawanan lamang siya dahil sa katayuan niya sa buhay na isang alila lamang at walang maayos na mga kasuotan, matalino si Basilio dahil natapos niya ang kursong Medisina
Mapag mahal si Basilio Tinubos niya si Juli sa pagpapakaalila nito dahil ayaw niyang nahihirapan ang dalaga, mahal niya si Kapitan Tiyago kahit sobra siyang nahihirapan sa pag-aalaga dito ay tiniis niya,sapagkat mahal niya ang matanda, sobrang mahal niya rin ang kanyang ina sapagkat di siya nakakalimot na dumalaw sa puntod nito sa kagubatan.
Tapat na mangingibig si Basilio dahil kahit kalian ay hindi siya tumingin sa ibang babae tanging si Juli lamang ang babaeng minahal niya at nais niyang makasama habang buhay.
Mapagkakatiwalaan si Basilio sapagkat kahit kelan ay hindi niya ipinaalam kahit kanino ang tunay na katauhan ni Simoun, at ipinaglihim din niya ang plano nitong pag-aalsa.
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.