Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
1. Mga tahanan na ginawa gamit ang ladrilyo at bato sa halip na tradisyunal na material na kawayan.
2. Mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya na may hawak na matataas na posisyon sa pamahalaan, simbahan at kalakalan.
3. Ang mga nagsilbing guro sa mga bata Ina nagturo kung paano sumulat, bumilang at bumasa.
4. Ang unang paaralan na ipinatayo ng mga misyonerong Heswita sa Maynila noong 1589.
5. Isang pormal na damit sa Pilipinas na napakagaan at isinusuot sa ibabaw ng kamiseta at karaniwang yari sa pinya o husi.
6. Ang orden na ito ay nagpatayo ng palimbagan na nagbigay-buhay sa mga lathalain ng mga misyonero.
7. Naging tanyag siya sa kaniyang isinulat na tulang "Florante at Laura" at kinilala bilang "Prinsipe ng Makatang Tagalog".
8. Siya ang unang patnugot ng La Solidaridad na siyang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
9. Naging tanyag siya dahil nagwagi ng gintong medalya ang kaniyang obra na Spoliarium.
10. Ang paggamit ng apelyidong Espanyol ay iniutos ng gobernador heneral na ito noong 1849.