1. Ang matanda ay _______na nanalangin sa Panginoon. Aling salita ang
angkop gamitin para mabuo ang pangungusap?
A. mahilig B. matipid C. taimtim D. tapat
2
2. Sumagot nang magalang ang bata. Alin ang pang-abay sa
pangungusap?
A. sumagot B. nang C. magalang D. bata
3. “Bigyan natin ng pagkain ang nasalanta ng bagyo. Kawawa naman
sila.” Anong damdamin ang ipinahiwatig ng nagsasalita?
A. pag-aalala C. pagkamatiyaga
B. pagkamaawain D. pagtatampo
4. Siya ay tumulong nang ________ sa mga mahihirap. Anong pang-abay
ang angkop gamitin sa pangungusap?
A. buong-puso B. daglian C. matapat D. matipid
5. Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay.
A. pandiwa C. pangngalan
B. pang-abay D. pang-uri
6. “Sana ay nag-aral ako kagabi. Hindi sana ako bumagsak sa pasulit”,
ang sabi ni Marian. Anong damdamin ang ipinahiwatig sa sinabi ni
Marian?
A. pag-aalala C. pagsisisi
B. pagmamahal D. pagtatampo
7. Matiyagang naghintay ang mga bata sa programa. Alin sa
pangungusap ang binibigyang turing ng pang-abay na matiyaga?
A. naghintay B. ang mga C. bata D. programa
8-10. Basahin ang maikling talata at sagutin ang mga tanong tungkol sa
wastong pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari.
Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato at lahat ng ginamit
sa pagkain at pinaglutuan nito. Sinasalansan ni Margie ang mga baso at
pitsel. Pinagsama-sama niya ang mga kutsara, tinidor at kutsarita.
Sinalansan niya ang mga plato at platito ayon sa laki. Pagkatapos ay inihanay
niya ang mga kaldero at kawali. Sa wakas ay inilagay niya ang mga ito sa
kani-kanilang lalagyan matapos sabunin, banlawan, at patuyuin, ayon sa ayos
nito.
8. Ano ang pinakaunang pangyayari sa talata?
A. Inihanay niya ang mga kaldero at kawali.
B. Inilagay niya ang mga ito ayon sa ayos nito.
C. Sinalansan ni Margie ang mga baso at pitsel.
D. Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato.
3
9. Alin sa mga sumusunod ang unang ginawa ni Margie?
A. Inihanay niya ang mga kaldero at kawali.
B. Inilagay niya ang mga ito ayon sa ayos nito.
C. Sinalansan ni Margie ang mga baso at pitsel.
D. Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato.
10. Alin ang pinakahuling pangyayari ang nabanggit sa kuwento?
A. Inilalagay niya ang mga ito sa kani-kanilang lalagyan ayon sa ayos
nito.
B. Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato.
C. Sinalansan ni Margie ang mga baso at pitsel.
D. Binanlawan ni Margie ang mga plato.