Panuto: Ang pang-abay (adverb) ay salitang naglalarawan ng pandiwa (verb). pang-uri (adjective), o kapuwa pang-abay. Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap. Gumuhit na arrow mula sa pang-abay hanggang sa salitang inilalarawan nito.
1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.
2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.
3. Ang magnanakaw ay tumakbo nang mabilis
4. Kamuntik nang magkabungguan ang dalawang sasakyan.
5. Halos kumpleto na ang pangkat ng mga mang-aawit.
6. Si Mang Teodoro ay maingat magmaneho ng dyip
7. Magiliw na sinalubong ng Ginoong Garcia ang mga panauhin.
8. Mainit nang bahagya ang tubig mula sa bukal na ito.
9. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa sa silid aklatan.
10. Tunay na kapani-paniwala ang mga kuwento ni Mang Pabling
11. Madalas maglaro ng badminton sina Kylie at Myra.
12. Ang Bicol Express na ito ay masyadong maanghang para sa akin 13. Ang sagot ni John sa mga tanong ay halos parating tama.
14. Ang mga karanasan ni Gregorio ay talagang nakalulungkot
15. Ang mga aklat ay maayos na ibinalik ng mga bata.
16. S jake ay mabagal kumilos kapag siya ay tinatamad.
17. Nagpasalamat kaagad ang pulubi sa taong nagbigay ng limos.
18. Mukhang mahirap ang takdang aralin mo sa Math.
19. Tumayo nang tuwid kapag inaawit ang Lupang Hinirang.
20. laging mahigpit na ipinatutupad ang mga patakaran sa Ninoy Aquino Immational Airport​