Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano ang pananaw mo sa "walang permanente sa mundong ito. lahat ay maaaring magbago, kaya maging ang mangyayari sa hinaharap ay maaaring maiba. dahil dito mahirap ang magtakda ng mithiin".​

Sagot :

Answer:

ang aking pananaw dito na Bawat araw nga nagbabago. Pati mga hayop nagbabago rin ng mga kilos. Ang mga magagandang halaman nalalanta rin. Ang mga masasamang tao, nagiging mabuti para maging masaya. Ang bawat cover ng libro nagbabago rin. Ang anyo ng mga cellphone nagbabago. Ang anyo ng mundo at ang mga nakatira dito nagbabago.

Naniniwala akong sa bawat pagbabago na nangyayari, may dalawang pagpipilian ang taong sangkot. Pwede siyang magbago para sa kabutihan o para sa kasamaan. Depende kung ano ang makapagpapasaya sa kanya.

Sa pagbabagong magaganap, pwede itong mapasaya o mapalungkot. Depende sa atin yun. Sabi ng nanay ko, ang pagiging masaya daw ay choice ng isang tao. Tama nga naman siya. Nasa satin naman kung gagawa tayo ng ikalulungkot lang natin. Lahat ng tao gustong maging masaya.  Kung may mga dumadaan mang mga araw na malungkot tayo, isipin na lang natin na isa yun sa mga pagsubok ng Diyos para sa atin, para gawin tayong matatag na tao.

Ambilis lang ng panahon. At minsan, hindi natin namamalayan na marami na rin palang pagbabago na nagaganap sa mga buhay natin. Minsan, subukan mong umupo at mag reflect sa mga bagay bagay. Magugulat ka na lang, marami na rin palang mga bagay na hindi na katulad ng dati. Kung ang pagbabagong ‘yun ay ikinalungkot mo, isipin mo na lang atlis sa pagkakataong ito alam mo na ang dapat gawin. Alam mo na kung sino ang mga taong pagkakatiwalaan, alam mo na kung ano ang mas makapagpapasaya sayo. Sa kabilang banda, kung itong pagbabago naman ay ikinasaya mo, ipagpatuloy mo lang. Masayang maging masaya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na wag mong hahayaan ang sarili mong masaktan, kasi alam ko, isa sa mga dahilan kung bakit nagiging matapang o matatag ang isang tao ay dahil sa mga masakit na pinagdaanan nito. At isa sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao ay dahil sa pait at sakit na naramdaman niya..

Sa bawat pagbabago, sana piliin pa rin nating maging mabuti sa mga taong nakapalibot sa atin kahit na pakitaan tayo ng hindi maganda..

panahon na para magbago!

Explanation:
i hope it helps:)
MARK ME AS A BRAINLIEST:)

Pinahahalagahan namin ang iyong oras sa aming site. Huwag mag-atubiling bumalik kailanman mayroon kang mga karagdagang tanong o kailangan ng karagdagang paglilinaw. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.