Tayahin A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Isa-isahin ang mga argumentong makikita sa teksto. Kopyahin ang mga dahilan o ebidensya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ayon sa mga eksperto ang coronavirus ay isang malaking pamilya ng virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng COVID-19. 2. Ang ating mga ninuno ay sanay mangaral sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng salawikain. May mga salawikain sila para sa pagtitipid, pag-iimpok, pagiging matapat, pagiging masipag, mabuti pakikisama at lahat na ng mabuting pagpapahalaga. 3. Ngayon ay nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno. Natutuyo na rin ang mga sapa at ilog. 4. Noong Enero 2, 1942, bago pa bumagsak ang Bataan at Corregidor, matagumpay na nasakop ng mga Hapon ang Maynila at naitatag ang pamahalaang militar ng Japan. 5. Maraming kariktang ibinigay ang Dakilang Maykapal sa ating kapuluan. Pinatutunayan ito ng ating maganda at kahanga-hangang mga tanawin.