1. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang
mabilis na pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop
ng mga Kanluranin.
C. Hindi napakinabangan ng mga mamamayang Asyano ang mga hilaw na materyal at produktong
kanilang nalikha.
D. Pangunahing gampanin ng mga Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin.
2. Ano ang naging epekto ng pagpapasailalim ng ilang pamayanan at estado sa Kanlurang Asya sa
protectorate at sphere influence ng mga Kanluranin sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo?
A. Nawalan ng trabaho ang mga mamamayang Asyano.
B. Nagwakas ang kalakalan sa pagitan ng mga Asyano at Kanluranin.
C. Naging napakahalagang gamit ang mga daungan nito at komersiyal na eksploytasyon.
D. Naging mayaman ang mga pamayanan at estado sa Kanlurang Asya buhat sa pagkontrol ng mga
Kanluranin.
_____ 3. Sa ilalim ng mga British, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na katanggap-tanggap sa mga
Indian. Alin sa mga pagbabagong ito ang katanggap-tanggap sa mga Indian?
A. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan malapit sa mga daungan.
C. Pagsakop ng Great Britain sa India buhat sa malaking pakanibang sa likas na yaman nito.
D. Pagkasangkapan sa mga katutubong pinuno sa pangangalaga at pagsusulong ng interes na
pangkomersiyo.
_____ 4. Bakit matindi ang pagtangi ng mga taga-Kanlurang Asya sa anumang impluwensiya ng mga
Kanluranin?
A. Mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawang panig.
B. Nais nilang mapanatiling dalisay ang kanilang kultura at pamumuhay.
C. Matindi ang galit ng mga taga-Kanlurang Asya sa mga bansa sa Europa.
D. Mas maunlad ang natamong antas ng pamumuhay ng mga taga-Kanlurang Asya kaysa sa mga
Kanluranin kung kaya’t hindi nila hinayaan na mahaluan at maimpluwensiya ng mga ito.
_____ 5. Paano nakaapekto sa mga pamayanan at estado sa Timog at Kanlurang Asya ang kanilang
pagkakaharap sa mga concession agreements?
A. Pinaunlad nito ang pamumuhay ng mga mamamayang Asyano.
B. Paglilimita sa kanilang karapatan sa pagnenegosyo at operasyon nito.
C. Pinalaki nito ang opurtunidad sa pagnenegosyo ng mga mamamayang Asyano.
D. Pinagkalooban nito ng parehong benipisyo ang pangnenegosyo sa Timog at Kanlurang Asya at
mga Kanlurani