Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

Sinong LT ang lider ng HUKBALAHAP ? Sinasabing naging balakid ang kanyang presensya sa pagpapatupad ng mga patakaran sa panahon ng Ikatlong Republika.​

Sagot :

SAGOT:

Si Luis Mangaluc Taruc ang namuno sa HUKBALAHAP.

Ang HUKBALAHAP o ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon ay isang hukbo na naglalayong maipaglaban ang Pilipinas laban sa pananakop ng dayuhang bansang Hapon.

Ang kilusang ito ay naitatag sa Gitnang Luzon sa pangunguna ni Luis Taruc na kung saan ang bawat kasapi ay nagkaisa na tawaging HUKBALAHAP ang pangkat alinsunod sa layunin nito.

Dahil sa lusob-takbo ang naging estratehiya ng kilusang ito, nagbunsod ito ng takot sa mga mamamayan dahil na rin sa pinsalang kanilang naidudulot sa lipunan. Ang paninindigan ng kilusang ito ay galing sa mga alipin at magsasaka na naninirahan sa Gitnang Luzon.