Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Ilagay ang sagot sa sagutang papel. 1. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon. 2. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan. 3. Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulong. 4. Tutulong ako ng bukal sa aking puso. 5. Tutulong ako kung maraming taong nakakakita. 6. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala. 7. Magbibigay ako ng walang pag-aalinlangan. 8. Ibibigay ko ang aking oras at talino sa mga bagay na makabuluhan para sa nangangailangan. 9. Magboboluntaryong maging kasapi ng pangkat na tutulong sa mga nasalanta ng baha. 10. Napipilitang magbigay ng meryenda para sa mga kaibigang bumisita sa bahay. 11. Sasama sa pagdarasal ng kapwa Pilipino para sa kaligtasan ng mga nahawa ng Virus. 12. Pinipilit akong sumali sa tree planting kahit ayaw ko. 13. Tuwang-tuwa ang lahat sa aming pamayanan nang linisin namin ang lahat ng mga daanan ng tubig o kanal para hindi tumaas ang tubig sa tag-ulan. 14. Magtutulungan kaming lahat sa kampanya laban sa dengue sa paraan ng paglinis ng paligid. 15. Pinatutuloy ko sa aming bahay ang kaklase kong naiwan ng bus pauwi sa kanilang bayan.