Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Bayanihan sa Panahon ng Pandemya Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ng kanilang kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang proyekto ang kanilang napagkasunduang gawin upang matulungan ang mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Naisipan ng kapitan na lumapit sa mga maykayang mamamayan ng barangay upang humingi ng donasyon na makatutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya. Marami ang tumugon sa naging proyekto ng barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga na nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas, de lata at hygiene kit. Maliban sa kanila marami pang may-kayang pamilya ang nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing proyekto dahil sa magandang adhikain nito. Ipinapakita lamang nito na ang pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa ay tanda ng pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa.

mga katanungan:

1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?

_________________________________________________________________

2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong?

_________________________________________________________________

3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon para sa proyekto?

_________________________________________________________________

4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga mamamayang nagbigay ng donasyon para sa proyekto ng kanilang barangay?

_________________________________________________________________

5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung ang pamilya niyo ay nakaluluwag din sa buhay? Bakit?

__________________________________________________________________

Sagot :

Answer:

1. G. Rhalp Vea

2. Sa barangay

3. Ang mayayamang pamilya

4. Ang pagiging matulungin

5. Tutulungan ko ang mga naapekto ng mga sakuna kasi nung nasa ganun taung sitwasyon may mga tumulong sa atin di ba? Kaya tutulungan ko rin sila.

Explanation:

1. Si G. Rhalp Vea

2. Tungkol sa isang proyekto na kanilang napagkasunduang gawin upang matulungan ang mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

3. Marami ang naghandog ng donasyon kabilang na rito ang pamilya Mabunga.

4. Pagkakaisa at pagiging mapagbigay sa kapwa.

5. Maghahandog din kami ng donasyon, dahil naniniwala ako sa kasabihang "sharing is caring" kapag tayo ay may biyaya nararapat lang na ibahagi rin natin ito sa ating kapwa.

hope it helps, pa brainliest please.

#CarryOnLearning