Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng mga solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

meaning at tungkol ng
ELEMENTO NG ALAMAT

( ASAP !! NEED KO NOW PLS!! TNK U!!)​

Sagot :

Answer:Elemento ng Alamat
Ang alamat ay tumutukoy sa mga kwento na naglalahad ng pinagmulan ng iba't ibang bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong kamangha-mangha at nag-iiwan din ng aral sa mga mambabasa. Ang alamat ay binubuo ng pitong elemento. Ang sumusunod ay ang mga elemento nito:

Tauhan
Tagpuan
Saglit na Kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Katapusan
Kahulugan ng Mga Elemento ng Alamat
Upang maunawaan ang gampanin ng bawat elemento sa isang alamat, narito ang kahulugan ng mga ito:

Tauhan - Ito ang mga gumaganap sa kwento. Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa alamat.
Tagpuan - Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon na pinangyarihan ng mga aksyon sa kwento.
Saglit na Kasiglahan - Ang elementong ito ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa suliranin.
Tunggalian - Ito naman ang naglalahad ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa suliranin.
Kasukdulan - Ang elementong ito ang naglalahad ng kahihinatnan sa pinaglalaban ng pangunahing tauhan sa alamat.
Kakalasan - Ito ang unti-unting pagbaba ng mga tagpo sa kwento mula sa maigting na pangyayari.
Katapusan - Ito ang naglalahad ng resolusyon ng kwento. Ang katapusan ng alamat ay maaaring masaya o malungkot.

Explanation:

Answer:

Ang isang alamat ay mayroong “Simula”, “Gitna”, at “Wakas”.

Simula

Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

Ang Tauhan – karakter sa kwento

Tagpuan – lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento

Suliranin – problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.

Gitna

Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

Saglit na kasiglahan – kasiglahan sa kwento

Tunggalian – paghaharap o pag-aaway ng mga karakter

Kasukdulan – pinakamagandang parte o bahagi ng istorya

Wakas

Tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na tumatak sa buong kuwento. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

Kakalasan – unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan

Katapusan – kung saan nagtatapos ang isang kuwneto