Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Pagtukoy ng Posisyon Batay sa Reference Point
Narito ang dalawang halimbawa ng pagtukoy sa posisyon gamit ang isang reference point ayon sa naka-attach na larawan.
REFERENCE POINT #1: Ang bangko at puno
Kung ang pagbabasehan ko ay ang bangko at puno, halimbawa ay nakaupo ako sa bangko, ang mga nakalista sa ibaba ang nagkaroon ng pagbabago sa posisyon.
- Ang batang nagbibisikleta
- Ang lalaking naglalakad/tumawid ng kalsada
- Ang kotse
Sa kinauupuan ko, sa bangko, ang tanging hindi nagbago ng posisyon ay ang street light.
REFERENCE POINT #2: Ang kotse
Kung ang reference point ko naman ay ang kotse, halimbawa ay nakaupo ako mismo sa loob ng kotse at nakatingin sa senaryo sa labas ng bintana, narito ang mga bagay na nagbago ang posisyon.
- Ang bangko at puno
- Ang street light
- Ang batang nagbibisikleta
- Ang lalaking naglalakad/tumawid ng kalsada
Samakatuwid, dahil nasa loob ako ng kotse, sa paningin (i.e. nakikita ng mata) ko, lahat ng bagay sa labas ng kotse ay gumagalaw o nagbabago ng posisyon maliban sa mga nasa loob ng kotse.
Alin man sa bagay o tao na nasa larawan, lahat sila ay maaari mong gawin reference point. Tandaan, ang reference point ay isang bagay na siyang basehan mo para alamin ang posisyon ng isa pang bagay.
Tulad ito ng panonood natin sa araw. Kapag tinanong tayo ng "Paano mo ilalarawan ang posisyon ng araw sa loob ng isang oras?" at nasa Timog Hemispero ka't nakatingin sa Norte, maaaring ang sagot mo ay "Gumagalaw ang araw mula sa kanan pakaliwa." Nasasabi natin ito dahil ang reference point natin ay ang Earth o Mundo.
Pero, kung nasa kalawakan tayo (o outer space) pero nasa loob pa rin ng Sistemang Solar, maaaring ang isagot natin ay "Hindi gumagalaw ang araw bagkus, ang mundo (o earth) ay ang siyang gumagalaw - counterclockwise na paggalaw." Ang reference point natin dito ay ang espasyo ng kalawakan sa Sistemang Solar.
Karagdagang Impormasyon
Tingnan ang larawan sa sagot sa tanong dito: https://brainly.ph/question/25331988
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.