Gawain 1
Panuto: Mlalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ito ay isang uri ng pagsulat ng balita.
2. Ito'y may layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
3. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan, naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa.
4. Saklaw nito ang pagsulat ng BALITA, EDITORYAL, KOLUM, LATHALAIN at iba pang akdang mababasa sa mga PAHAYAGAN at MAGAZINE.
5.Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin.
7. Binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan nitong maaring sa paraang pamaklong (parential).
8. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
9. Isang espesiyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mamayang maaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong suliranin.
10. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.