Gawin Natin Panuto: Basahin, unawain at bigyang kahulugan ang mga saknong ng tula sa bawat kahon. Isulat ang sariling interpretasyon at kahulugan. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Paliwanag Saknong ng tula 1. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan Asa mo ri'y agos ng lubhang nunukal At saka ang buwang tila nagdarasal, Ako'y binabati ng ngiting malamlam! ISANG PUNONGKAHOY Jose Corazon de Jesus 2. Ang hapong katawan at pagal na isip, At muling nagpilit sa kubo’y bumalik; Muling iniunat ang paa at bisig, Hanggang makatulog mata mo'y mapikit. MAGING SINO KA MAN Milagros B. Macaraig 3. Ibong nakakulong, kapag nakalaya, Ibig dumapo sa sangang mababa! Ito ang nangyari sa ating binate, Sa nasang nakamtan ang sangundong tuwa'y Halos di-ituntong ang paa sa lupa! Ang Ilaw sa Parol ni Cirio H. Panganiban 4. Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama'y ibig nang magningning; Nakaorasyon na noong aking datnin Ang pinagsadya kong malayong lupain; K'wagong nasa kubo't mga ibong itim Ang nagsisalubong sa aking pagdating, Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus 5. Pilit tinatakasan ang likong-daan, Makawala sa hawla ng nakaraan. Pilit tinatakasan ang mga sandali; Nang mailayo sa bagyo ng pighati. Pilit ni lan Rey 2. Rosillo