Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

ano Ang lahulugan Ng magkamayaw​

Sagot :

Answer:

Kahulugan ng magkamayaw

Ang salitang magkamayaw ay mula sa salitang ugat na mayaw na nangangahulugan ng pagkakasundo o kaayusan. Madalas na nagkakaroon ng kalituhan sa ibig sabihin nito dahil sa kilalang kataga na “hindi magkamayaw” na nangangahulugan na hindi magkaintindhan o walang kaayusan. Kaya kadalasan kahit gamitin ng isang salita ang magkamayaw ay tumutukoy pa din sa kilalang kataga. Ang mayaw ay kilala sa ingles na harmony or agreement.

Kapunapuna na walang mababasang mayaw o magkamayaw sa isang pangungusap sapagkat madalas na hindi ito ginagamit ng isang salita lamang dahil maraming mga mas kilalang salita sa Filipino na mauunawaan ng nakararami. Ang ilan sa mga ito ay kaayusan at pagkakaunawaan. Sa isang banda, ang salitang “hindi magkamayaw” ang laging nasusulat at isinasaad ng nakararami.  

Mga pangungusap gamit ang salitang magkamayaw

Nakita ni Maria ang kanyang mga mahahalagang gamit ng magkamayaw ang kanyang opisina.

Nagkamayaw ang dalawang baranggay tungkol sa proyekto sa ikasusulong ng kalinisan.

Nang magkamayaw ang dalawang panig ay nagkaroon ng katahimikan.

Mga pangungusap gamit ang salitang hindi magkamayaw

Magulo ang mga gamit ni Lorena kaya hindi magkamayaw ito sa paghahanap ng mga mahahalagang papel na isusumite sa munisipyo.

Hindi magkamayaw ang mga empleyado sa tambak na trabaho.

Ang basurero ay hindi magkamayaw sa paglalagyan ng mga basurang nakalap nito.

Ang salitang magkamayaw ay patunay na ang wika ay mahiwaga; marami man ang nalilito sa tunay na kahulugan nito ay lilitaw parin ang tunay na kakanyahan at gamit nito.

Explanation:

:)