2. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay maliklahain sa iba't ibang larangan.
Ano ang Paksang pangungusap ng talata? ________________
3. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
Ano ang paksang pangungusap ng talata? _______________
4. Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Español sa Dapitan, ipinangako niya sa gobernador-heneral na hindi siya tatakas. Isang araw, hinikayat siya ni Pio Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si Rizal at sinabing nakapagbitiw na siya ng pangako sa isang pinunong Español na kailanma'y hindi siya tatakas.
Ano ang paksang pangungusap ng talata?___________