Panuto: Suriin at tukuyin kung pagpapakahulugang metaporikal o Literal ang kahulugang isinasaad ng nasalungguhitan sa bawat bilang. Isulat ang PM kung pagpapakahulugang metaporikal at LT kung literal, kung Metaporikal, ibigay ang kahulugan. Isulat ang sagot sa patlang, ang ibibigay na kahulugan ay sa dulo ng pangungusap. 1. Sinasakyan niya lagi ang kagustuhan ng kanyang bugtong na anak kahit alam niya na mali ang mga ito kaya iyon, namihasa na siya 2. Makating-makati ang dila ni Alma sa pag-ulam ng alimango kaya dinala siya sa pagamutan. 3. Sa matinding galit ng mga magulang ni Franika sa kanyang kagyat na pakikipagtanan, nasabi nila na hindi nila ito mapapatawad at itataga raw niya ito sa bato 4. Pinagtatapat ni Albrent si Akheelah kung lobat na ba ang pag-ibig nito sa kanya dahil sa hindi na nito pagsagot sa kanyang mga tawag 5. Sinabi ni Mario na madalas siyang nagkakamali ngunit nagsilbing pambura si Bb. Aguirre sa lahat ng kanyang pagkakamali 6. Ang pakikipagkapalagang-loob ko sa kanya ay tila ako nag-alaga ng ahas, hindi lang basta-basta na ahas kundi anaconda pa. 7. Hindi pa rin lumabas ang katotohanan dahil nasusian ang labi ng pangunahing testigo. 8. Walang naibigay na panustos ang kanyang nanay dahil butas na butas ang kanyang bulsa 9. Sinabi ng kanyang kapatid na "makahihinga lamang siya nang maluwag" kung