Tayahin 1-3. Basahin ang maikling talata at sagutin ang mga tanong tungkol sa wastong pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari. Madilim-dilim pa ay gumising na si Lorena. Nang ganap na ikaapat ng umaga ay nakabihis na siya patungong pamilihan. Makalipas ang isang oras ay pauwi na siya. Sa ganap na ikaanim ng umaga ay nakapagluto na siya ng almusal. Pagsikat ng araw ay papasok na siya sa opisina. 1. Ano ang pinakaunang pangyayari sa talata? A. Pauwi na si Lorena. C. Nakapagluto na siya ng almusal. B. Gumising na si Lorena. D. Nakabihis na siya patungong pamilihan. 2. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Lorena pagkagaling sa pamilihan? A. Nagbihis na siya. C. Papasok na siya sa opisina. B. Gumising na si Lorena. D. Nakapagluto na siya ng almusal. 3. Alin ang pinakahuling pangyayari ang nabanggit sa kuwento? A. Nagbihis na siya. C. Papasok na siya sa opisina. B. Gumising na si Lorena. D. Nakapagluto na siya ng almusal. 4. Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. A. pandiwa C. pangngalan B. pang-abay D. pang-uri 15 5. Marahang lumabas ng bahay ang bata. Alin ang pang-abay sa pangungusap? A. marahan B. lumabas C. ng bahay D. ang bata 6. Si Andrea ay ___________ tumulong sa mga mahihirap. Anong pangabay ang angkop gamitin sa pangungusap? A. daglian B. masayang C. matapat D. matipid 7. Ang babae ay ________ na umupo sa isang tabi. Aling salita ang angkop gamitin para mabuo ang pangungusap? A. maingay B. tahimik C. taimtim D. tapat 8. “Sana ay nag-aral akong mabuti. Hindi sana ako bumagsak sa pasulit”, ang sabi ni Omar. Anong damdamin ang ipinahiwatig sa sinabi ni Omar? A. pag-aalala B. pagmamahal C. pagsisisi D. pagtatampo 9. “Bigyan natin ng pagkain ang mga biktima ng sunog. Kawawa naman sila.” Anong damdamin ang ipinahiwatig ng nagsasalita? A.pag-aalala C. pagkamatiyaga B.pagkamaawain D. pagtatampo 10. Matiyagang naghintay ang mga bata sa bisita. Alin sa pangungusap ang binibigyang turing ng pang-abay na matiyaga? A. naghintay B. ang mga C