I. TAMA o MALI. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap tungkol sa pagpapakita ng kawilihan
sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal
at di-materyal at MALI kung hindi wasto.
_____1. Ang pagbabasa ng mga kwentong bayan, alamat, at epiko
ay kasiya-siyang gawin dahil may nalalaman ka na
bahagi ng iyong kultura.
18 CO_Q3_EsP 4_ Modyul 1
_____2. Magalit sa tuwing napagsasabihan tungkol sa mga
pagpapahalagang dapat taglayin.
_____3. Mahalagang pakinggan ang mga wastong kaugaliang
itinuturo ng mga nakatatanda dahil gabay ito tungo sa
maayos na kinabukasan.
_____4. Ang pakikinig ng mga katutubong awiting Pilipino ay
hindi na naaayon sa modernong panahon dahil hindi
naman ito nakakatulong sa kaunlaran ng ating bansa.
_____5. Ang tanging kailangan natin ay ang mga makabagong
kwento tungkol sa kinakaharap ng mga mamamayan sa
modernong panahon.