Ang Tunay na Diwa ng Pagkakaisa ni: Myrasol D. Beltran Maraming pagkakataon ang mga Filipino ay sinubok, Iba't ibang suliranin at matinding dagok, pagbaha, paglindol at pagsabog ng bulkan, na siyang nagparamdam ng matinding kalungkutan, Pag-asa'y unti-unti at manaka-nakang nabawasan, disang saloobin ang dinamdam ng karamihan, nariyan ang pagsuko at paglisan sa mundo, lalo na ng nagkapandemya, takot ay naging buo. STARA Ngunit ika nga ng karamihan, bawal ang sumuko, kailangang lumaban at huwag magpatukso, Taipin ang bayan, ang bansa at daigdig, yaong pagkakaisa ang nararapat manaig. CL С Kaya't sa tulong at gabay ng Poong Maykapal, kapit-bisig, tulong-tulong sa pagdarasal, ang mga Filipino tumayo at nagsikap, nilabanan ang lungkot, problema ay hinarap, LETON AB Yaring pagkakaisa ang siyang pinairal, pagdamay sa kapuwa ang waring inasal, pagtulong, pagsulong ng mga gawain, na nagpapanumbalik sa lahat ng mithiin. Tunay nga ang diwa ng pagkakaisa, ay napakahalaga para sa bawat isa, anumang pagsubok ay nalalampasan, ng mga Filipinong tatak ay kabutihan. Mga tanong 1. Tungkol saan ang tula na iyong binasa? 2. Nakuha mo ba ang mensahe nito? Ano ang nais ipahiwatig ng tula? 3. Ano ang kaugnayan ng pamagat ng tula sa mga suliranin na kinakaharap ng mga Filipino? Isa-isahin. 4. Batay sa tula, sa paanong paraan maipakikita ang pakikiisa? 5. Ikaw bilang isang batang Filipino, paano mo maipakikita ang iyong pakikiisa sa mga suliranin na kinakaharap ng bansa? PIVOT 4A CALABARZON ESP G5 32
help po :(