Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Ang terminong ito ay iniuugnay sa mga artisano at mangangalakal na mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France.
2. Isang sistema na ang pangunahing layunin ay politikal gaya ng magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, at mapondohan ang kanyang hukbo.
3. Isang sistema ng pamamahala kung saan ang pamahalaan ay namamahala na parang ama sa kanyang mamamayan.
4. Ito ay isang salitang Pranses na ang ibig sabihin ay "rebirth o revival” o muling pagsilang, muling pag-usbong, muling pagkabuhay.
5. Ito ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
6.Ito ay ang paghihimasok, pag-iimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa.
7. Aklat na isinulat ni Marco Polo. Ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China at naghikayat sa mga Europeo na marating ang China.
8. Isang Muslim na manlalakbay ay nagtala sa kanyang paglalakbay sa Asya at Africa.
9. Ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain, pagpreserba ng mga karne, panghalo sa mga pabango, kosmetiks, at medisina.