Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan sa aming Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 7 & 8 Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. TEXTO A: Karapatang Sibil Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa't isa. Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa. May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice denied.” Bilang ng mga Salita: 166 (Pilipinas: Ugat ng lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc, Tarlac, Tarlac) Mga Tanong: 1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal) HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan a. na maipahayag ang saloobin b. na makapagbiyahe saan man nais na magpatayo ng titirhan saan man d. sa malayang pagsamba at pananalig 2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal) a. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan. b. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan. d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan. 3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferential) a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa. 6. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan. c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito. d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito. 4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo? (Literal) Ito ay napapaloob sa Miranda Rule. 5. Lihtisin at ikukulong ang nagkasala. c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito. d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus. 5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal) a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso. b Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip. c. Nalalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis. d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa mga eksperto.