1.) ito ay mga katagang nagdudugtong sa magkakasunod na salita sa isang pangungusap para maging magaan o madulas ang pagbigkas nito.
a.) Pangatnig
b.) Pang-angkop
c.) Panlapi
d.) Salitang ugat
2.) Ang ___ ay mga salitang buo ang diwa.
a.) Pangatnig
b.) Pang-angkop
c.) Panlapi
d.) Salitang ugat
3.) Ang____ ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna o sa hulihan ng salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
a.) Pangatnig
b.) Pang-angkop
c.) Panlapi
d.) Salitang ugat
4.) Ito ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o sa sugnay sa kapwa sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.
a.) Pangatnig
b.) Pang-angkop
c.) Panlapi
d.) Salitang ugat
5.) Ito ay isang uri ng babasahin na hindi piksyon. Ito ay nagbibigay impormasyon o paliwanag tungkol sa iba't ibang paksa.
a.) Paglalagom
b.) Tekstong Impormatibo
c.) Balangkas
d.) Argumento