Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Mahal kong mga Magulang,
Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na ginawa niyo para sa akin at sa amin ng mga kapatid ko. Sa pag-aaruga at pagpapalaki sa amin, hanggang sa patuloy na pag bigay ng mga hiling at pangangailangan namin. Maraming Salamat sa inyo nanay at tatay.
Kayo ang naging kasangga at gabay ko sa aking mga pagsusubok at problema. Hindi ko malilimutan ang mga panahon na hinang-hina ako at nandiyan kayo sa tabi ko handang tumulong… Salamat rin po pala sa malaking parte niyo sa pagtupad sa mga pangarap ko. Dahil ramdam ko ang pagmamahal niyo at suporta sa mga mabubuting bagay na gagawin ko.
Sana patawarin niyo ako sa mga minsan kong pagsagot sa inyo. Sa hindi ko pagsunod at pagrespeto sa inyo. Patawarin niyo rin ako sa pagiging pasaway ko. Sana mapatawad niyo ako sa mga maling gawain na nagawa ko…
Alam ko na sa balang araw na pagtanda niyo ay mababawasan ang inyong mga lakas, kung kaya’t nandirito kami ng mga kapatid ko na handang tumulong at alagaan kayo. Magpalakas pa po kayo dahil gusto pa po namin kayong makasama ng matagal at sulitin ang bawat sandali na kapiling namin kayo. Sana patuloy tayong magmahalan at magtulungan. Hindi namin kayo malilimutan, Maraming Salamat muli Nanay at Tatay!
Explanation:
HOPE THIS HELP TO ALL
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.