Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

pumili ng isa sa mga programa ng gobyerno at ipaliwanag kung bakit ito mahalagang bigyang pansin ng ating pamahalaan

pasagot po please brainliest kita agad pag Tama ​

Sagot :

Answer:

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps.

MGA LAYUNIN

May dalawang kambal na  layunin ang 4Ps bilang pangunahing programa kontra-kahirapan ng administrasyong Aquino:

  • social assistance: pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pinakamahihirap na mga pamilya upang tugunan ang pangunahin nilang pangangailangan; at
  • social development: pagsira sa siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng:
  • check-up para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang;
  • pagpupurga ng bulate ng mga mag-aaral edad 6 hanggang 14;
  • pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at
  • mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.

Explanation:

Tama po ba sorry kung hindi ah