Explanation:
MLA (Modern Language Association) Ang MLA ay malimit na ginagamit sa mga kursong humanities. Sa mga kursong humanities, nabibigyan ng malaking pokus ang awtor. Kaya naman, sa MLA, palaging nauuna ang pangalan ng awtor sa pahina ng bibliyo.
APA (American Psychological Association) Ang APA ay madalas na ginagamit sa mga dokyumento sa mga kursong aglipunan (social science). Kung ang MLA ay may pokus sa awtor, sa APA naman ay mas pinahahalagahan ang petsa. Sa pahina ng “References,” ang petsa ay inilalagay pagkatapos na pagkatapos ng pangalan ng awtor.
CMS (Chicago Manual of Style) Ang CMS ay malimit na ginagamit sa mga klase at kursong may kinalaman sa kasaysayan. Sa kasaysayan, ang pinahahalagahan ng lubos ay ang pinagmulan ng ideya o ng kinokopya. Samakatwid, kapag gagamit ng istayl na CMS, kailangang ilagay ang pinanggalingan ng impormasyon sa footnote or sa endnote. Alam ba natin ang kaibahan ng endnote at footnote?
(sorry po kung yan lng, pero sana po makatulong)