Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

anong kahulugan at mga katangian ng kasaysayan sa korido​

Sagot :

Answer:

Korido:

Ang korido ay isa sa mga sanga ng tulang pasalaysay na hango sa mga metriko romanse ng Espanya at naging popular noong ika - 19 na siglo.

Tulad ng awit, ang korido ay sanga ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa bawat taludtod nito. Ang isa sa mga kilalang halimbawa nito ay ang Ibong Adarna. May dalawang paliwanag ukol sa pinagmulan ng salitang korido. Una, ito ay maaaring distorsiyon ng katagang Espanyol na occurido na nangangahulugang “pangyayari”. Ikalawa, sa diksiyonaryo, ang corrido ay kasing kahulugan ng balada. Ang balada ay isang masayang kanta sa saliw ng gitara na tulad ng estilong fandango.

Sa mga probinsya ng Bikol at Pampanga, ang terminong korido ay parehong ginagamit na katumbas ng korido at awit sa Tagalog. Sa mga karaniwang mamamayan ng Pampanga, laganap din ang paggamit ng kuriru. Sa Iloko, ginagamit naman ang panagbiag na ang kahulugan ay “buhay.”  Hindi tiyak kung kailan at kung paano talaga nagsimula sa Pilipinas ang mga metriko romanse. Ngunit sa palagay ni Vicente Barrantes, dinala ng mga sundalo ni Legaspi ang mga tulang pasalaysay na ito mula sa Mexico. Sa simula, maaaring lumaganap ito sa paraang pasalita, at nang mas panatag na ang sitwasyon sa mga nasakop na lugar ay kumalat na rin ang mga limbag na anyo ng ganitong uri ng akda. Ipinapalagay din na unang nailimbag ang mga awit at korido bago matapos ang ika - labinwalong siglo kung ibabatay sa kasaysayan ng pagsulat ng mga kilalang mangangathang tulad nina Jose de la Cruz, Francisco Baltazar at Ananias Zorilla

#LetsStudy

#carryonlearning

#saveukraine

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.